Paraiso

Kasabay ng paglapat ng aking palad sa katawan mong nagsusumamong buksan ng mas malapitan,

Naramdaman kitang kinausap ako ng kahit walang tinig…

Humimlay sa ilalim ng ang aking dibdib kahit unang mga salita mo pa lamang.

Walang kahapon at bukas. Kahit ang ngayon ay inanod ng tila mga patak ng ulan at inanyahan akong sumayaw.

Sumayaw.

Sumayaw sa karagatan, sa kalawakan at hangga’t dalhin mo ako sa kawalan.

Sa kawalan, kung saan hindi ko man maramdaman ang aking yapak… kahit ang aking paningin ay binalot mo ng animoy bahaghari o isa bang hikbi?

Ngunit ako ay malaya. 

Ang aking kaluluwa ay buhay sa iyong bawat letra, sa iyong bawat kwento.

Patawad sa mga pagkakataon na hindi kita pinili...

Ngunit gusto kong malaman mo, ako’y patuloy na magkukwento, magsusulat para sa sayo at sa para sa taong tulad ko na naghangad na mangarap, umibig at lumipad ng dahil sayo.

At kung lumipas man ang ilang daang buwan at unti-unting lumisan ang iyong mga kasama dahil sa pagbabago ng panahon,

Asahan mong ako’y babalik at maglalakbay tayong muli sa paraisong tayong dalawa ang may akda.

IMG_1866.jpeg
Nico Dizon